Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Empleyado ng Kongreso timbog sa shabu

0 114

Swak sa selda ang isang empleyado ng House of Representative na umano’y tulak ng iligal na droga matapos ang isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa isang lodging inn sa Cainta, Rizal Lunes ng hapon.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Bernard Taboada, nakatalaga sa Office of the Speaker bilang Driver III.

Sa ulat ng Cainta Municipal Police, dakong alas-tres ng hapon nang maaresto ang suspek sa loob ng One Traveler’s Lodging Inn na matatagpuan sa Brgy. Sto Domingo ng nabatid na bayan.

Nauna rito, nakatanggap ng tip ang mga awtoridad hinggil sa iligal na aktibidad ng suspek, kaya’t nagkasa ito ng operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto nito. Nakumpiska mula kay Taboada ang anim na pakete ng hinihinalang shabu; P300 buy-bust money; isang cellphone at iba’t ibang identification card.

Leave A Reply

Your email address will not be published.