Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Empleyado ng punerarya nag-suicide sa karo

0 173

Patay ang isang empleyado ng punerarya matapos itong magpatiwakal sa service van ng funeral company sa Binalonan, Pangasinan noong Miyerkoles ng madaling-araw.

Ayon sa Binalonan Police Station (BPS) ang biktima ay isang 17-anyos na lalaking tauhan ng Funeraria Pallada-Vergara.

Sa report ng BPS, nangyari ang insidente bandang alas-5:02 ng madaling-araw.

SM food to go Banner Ad

Isang Eddie Patacsil ang nakakita sa bangkay ng biktima sa karo, dagdag ng pulisya.

Samantala, ayon sa mga kaanak ng biktima, wala silang alam na dahilan para magpakamatay ang lalaki.

Inaalam ngayon ng BPS investigation section kung may nangyaring foul play sa insidente. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.