Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Empleyado positibo; embahada ng `Pinas sa Kuwait sinarado

0 218

Pansamantala munang isasara ang embahada ng Pilipinas sa Kuwait matapos na magpositibo sa Covid-19 ang isa nitong empleyado.

Kanselado ang lahat ng on-site na serbisyo ng embahada simula noong Hulyo 2 at tatagal ito hanggang sa Hulyo 16.

Sa isang public advisory, sinabi ng embahada na sasailalim sa self-quarantine ang lahat ng opisyal at kawani ng embahada upang ma-monitor ang kanilang kalagayan kasunod ng gagawing disinfection sa kanilang tanggapan.

Pinayuhan din ng embahada ang lahat ng mayroong schedule ng kanilang appointment simula Hulyo 2 hanggang 16 na maghintay ng kanilang tawag para sa re-scheduling. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.