Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Empleyado sa PCOO na-virus, trabaho sa New Exec Bldg suspendido

0 247

Sarado ngayon ang tanggapan ng New Executive Building (NEB), Malacañang nang magpositibo sa COVID-19 ang isang empleyado ng ahensiya kaya sinuspinde ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang kanilang trabaho.

Batay sa inilabas na advisory ni PCOO Undersecretary for Administration and Legal Affairs Atty. Marvin Gatpayat, ang suspensiyon ng trabaho sa NEB ay epektibo ngayong Martes, July 21, 2020 para magpatupad ng disinfection sa buong gusali.

“An employee of the Presidential Communications Operations Office (PCOO) has tested positive for COVID-19. As a safety precaution, we are suspending work starting July 21, 2020,” ani Atty.Gatpayat.

Magpapatupad din aniya ng swab testing sa mga nakasalamuha ng COVID positive na empleyado.

Muling bubuksan sa Lunes, July 27, 2020 ang pasok ng mga empleyado ng PCOO sa NEB, Malacañang. (Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.