Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Empleyadong smoker kukulubin sa yosi booth

0 214

Bukod sa pagsusuot ng face mask at face shield, kabilang sa mga bagong panuntunan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga opisina para iwas hawa sa COVID-19 ay ang paghihigpit sa mga manggagawa o empleyadong naninigarilyo.

Base sa joint guidelines ng DTI at DOLE, kailangang magtakda ng smoking area ang mga tanggapan para sa kanilang mga empleyado at dapat na mayroon itong booth para sa bawat naninigarilyo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bukod sa paglalagay ng smoking booth, bawal na rin ang dine-in sa office canteen maliban na lamang kung mayroong mahigpit na pagtalima sa one-meter physical distancing at maglalagay ng physical barrier.

Subalit puwede namang alisin ang face shield kung hindi nakikisalamuha sa mga kapwa empleyado at kustomer o kung kinakailangang gawin ito para sa occupational safety ng manggagawa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.