Abante Tonite Interactive

Employer walang takas sa 13th month pay

265

Kakanselahin na ang business permit ng isang employer sa oras na mapatunayang nabigo itong ibigay ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado.

Ito’y oras na maisabatas ang inihaing panukalang batas nina ACT-CIS Party-list Reps. Eric Yap, Jocelyn Tulfo at Niña Taduran.

Pangunahing layunin ng House Bill 6272 na pag­husayin pa ang 13th month pay compliance sa pamamagitan ng mahigpit na pagbabantay ng mga kinaukulang ahensya sa 13th month pay compliance bilang bahagi na ng business permit process.

Sa HB 6272, ang mga Department of Labor and Employment (DOLE) regio­nal office ay bibigyan ng mandatong repasuhin ang the 13th month pay compliance report at oras na mapatunayang may kakulangan ay kakansenlahn ang business permit.

Ngunit bago kansehalan ay bibigyan muna ng limang araw ang aplikante para ituwid.

“Pinapaganda natin ang sistema. Kapag ‘di nagbabayad ng 13th month pay, kanselado ang business permit. Parehong may kopya ang DOLE ng compliance report kaya malalaman nila kung sino ang masunurin sa batas at sino ang hindi,” ayon kay Tulfo. (Eralyn Prado)