Abante Tonite Interactive

Empoy-Alessandra ‘nalaos’ nu’ng maghiwalay

Kaya loving-loving ulit ngayon

By
11,347

INIHAHANDA na nga ang follow-up movie nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez sa kanilang blockbuster hit na Kita Kita. Kung matatandaan, parehong flop ang solo movies nina Alessandra at Empo, ang 12 at The Barker, respectively, kaya marami ang natuwa nang malamang hindi nga lang isang series sa ABS-CBN ang muling pagsasamahan ng Alempoy loveteam.

Wish lang ng mga nakapanood ng Kita Kita na maging kasingganda at kasingtino ng Kita Kita ang susunod nilang movie together. Inaayos raw mabuti ang movie na ‘yon ng Alempoy at sa ngayon, nagkakasama naman sila sa taping ng No Ordinary Love series nila sa Kapamilya network kung saan ay kasama rin nila ang isa sa producers ng Kita Kita movie nila, si Piolo Pascual.

Samantala, si Alessandra naman, magsisimula na sa isang series na hindi pa malinaw kung sa internet ipapalabas o sa cable channel, ‘yung Diary of a 30 Something kung saan ay makakasama niya ang ate niyang si Assunta de Rossi at ilang mga kabarkada.

Project mismo ni Alessandra ‘yon na inilapit niya kay Boss Vic del Rosario ng Viva Films.

Si Empoy naman, may pelikula rin na kasama si Zanjoe Marudo.

Jeanine lucky charm ni Jeron Teng

NANOOD ako ng third PBA game ng Alaska Aces noong isang gabi sa Smart Araneta Coliseum kung saan ay nanalo sila laban sa Meralco Bolts. Nakita ko roon ang former UAAP courtside reporter na si Jeanine Tsoi.

Of course, nandoon si Jeanine to support her boyfriend, Alaska Aces rookie na si Jeron Teng.

First PBA game ni Jeron ‘yon na pinanood ni Jeanine dahil nasa Europe siya kasama ang kanyang pamilya noong Christmas season na nagbukas ang 43rd season ng PBA.

Mukhang si Jeanine naman ang lucky charm ni Jeron dahil first win din ng Alaska Aces noong Wednesday night. After the game, magkasamang nag-date ang dalawa.

In fairness, kahit PBA heartthrob si Jeron, type na type ng kanyang fans si Jeanine at sinasabing bagay talaga silang dalawa, kaya mismong ang fans ng basketbolista ay natutuwa na makita silang magkasama.