Abante Tonite Interactive

Empoy, Matteo sanib-puwersa sa ‘Pedro Penduko’

0 437

Hindi na pala si Treb Monteras ang magdidirek ng bagong movie version ng “Pedro Penduko” kundi si Jason Paul Laxamana. Ito’y pagbibidahan nina Matteo Guidicelli at Empoy Marquez. Kasama rin ang child star na si Alonzo Muhlach.

Ibinalita ito sa amin ng Viva big boss na si Boss Vic del Rosario.

Si Empoy umano ang gaganap sa normal na taong si Pedro Penduko na magta-transform into the character of Matteo kapag gumagana ang kanyang super power.

Ayon kay Boss Vic, lalagyan na umano nila ng ibang twist para maiba sa mga naunang “Pedro Penduko” movies na magkakahiwalay na ginampanan nina Efren Reyes, Jr. in 1954, Ramon Zamora in 1973 at dalawang beses ni Janno Gibbs in 1974 and 2000.

Ito’y bukod pa sa TV version ni Matt Evans sa ABS-CBN noon.

Ang proyektong “Pedro Peduko” was first offered kay James Reid (na kamakailan lamang kumawala sa management ng Viva Artists Agency) pero ito’y umatras sa nasabing project. Agad naman ito ibinigay ni Boss Vic sa nobyo ni Sarah Geronimo who was just too glad na tanggapin ang iconic character.

Ang hindi lamang namin natanong kay Boss Vic ay kung magkakaroon ng special participation sa “Pedro Penduko” movie ang Pop Princess na si Sarah Geronimo.

Excited pare-pareho sina Matteo, Empoy at Alonzo na simulan ang “Pedro Penduko”. Magi-start itong mag-shooting sa darating na November.

‘Watch Me Kill’ kalahok sa Warsaw filmfest

Hindi pambata ang psycho-suspense-thriller-action-drama movie na “Watch Me Kill”. Idinirek ito ni Tyronne Acierto under CineBandits Entertainment and to be distributed ng Viva Films.

Dumalo ang buong cast at director ng “Watch Me Kill” sa celebrity premiere night ng pelikula na ginanap sa Cinema 5 ng Trinoma nu’ng nakaraang Martes. Kasali ito sa Pista ng Pelikulang Pilipino na magsisimula sa September 13.

Napakahusay ni Jean sa kanyang ginampanan role as psycho killer na si Luciana. Nakita rin ang pagiging raw ng acting na baguhang si Junyka Santarin.

Nagandahan din kami sa cinematography ng pelikula.

Ang nasabing movie ay imbitado sa competition section ng Warsaw International Film Festival 2019 na gaganapin sa Poland sa October 11.

Thankful si Jean sa US-based Filipino director na si Direk Tyrone na sa kanya ipinagkatiwala ang kakaibang role na ngayon lamang umano niya nagampanan sa kanyang entire career bilang aktres.

Patricia lalaban sa Noble Queen of the Universe

May bago na namang tayong international beauty competition na lalahukan ng mga naggagandahang may asawang babae na may iba’t ibang adbokasiya from 35-55 years old. Ito ay ang “Noble Queen of the Universe” na gaganapin sa Manila Hotel on December 1, 2019.

Ang Noble Queen of the Universe ay nakatakdang salihan ng 30 candidates mula sa iba’t ibang bansa. Kasama na rito ang Pilipinas na ang singer-actress at beauty queen na si Patricia Javier ang kakatawan.