Abante Tonite Interactive

Empoy nangangamoy sapak kay Alessandra

By
0 5,773

Pagkatapos ng hit mo­vie nilang Kita Kita, ngayon lang magka­kasama sina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez via rom-com TV series na Since I Found You with Piolo Pascual. At siyempre, iba naman ito sa pelikula na ilang shooting­ days lang. Dito ay medyo matagal-tagal silang magkakasama.

“Kaya ko siyang kasama ng 24/7,” pahayag ni Alex tungkol kay Empoy, “I have a feeling na maba-bad trip ako, maybe at some point, baka masapak ko siya, ‘yung ganu’n. Hindi naman masakit, ‘yung ganu’n lang.”

Singit ni Empoy, “Lagi niya akong ginagawang punching bag.”

Immediate-Hiring-Ads

Hirit naman ni Alex, “Hindi, nagkakaintindihan kami, eh. Alam niya kung kelan ako nagbibiro, alam niya kung kelan ako seryoso, ako rin, alam ko rin.”

Ibang-iba naman daw ang role nila sa SIFY kesa sa ka­rakter nila sa Kita Kita.

“Kasi nga, sa Kita Kita bulag ako, kaya mahal ko siya. Dito, kitang-kita ko siya talaga, nakita niyo naman sa trailer, ‘hoy, lumayo ka diyan, hoy, wag ka lalapit,’ ‘yung ganu’n,” sambit ni Alex.

Ngayong Lunes na magsisimula ang SIFY pagkatapos ng Bagani mula sa direksyon ni Antoinette Jadaone.
***

KimXi nilalanggam ang kasweetan kahit walang project

No doubt, growing stronger than ever ang relasyon nina Kim Chiu and Xian Lim at hindi naging hadlang or nakaapekto kahit pa magkahiwalay na sila ng proyekto o management pa.

In fact, mas naging sweet pa yata sila ngayon kaysa noong may KimXi projects pa sila.

Few days ago ay nag-post ng sweet message si Xian para kay Kim sa kanyang Ins­tagram account with matchin­g sweet photos nila noong nasa South Korea sila last Holy Week.

Ayon kay Xian, super proud daw siya for Kim sa lahat ng narating nito ngayon.

“We don’t post or say much about us but I’d like to take this time to dedicate this gram to @chinitaprincess. Super proud of you and what you’ve accomplished sa lahat ng bagay na tinatahak mo (wow lalim) lapit na rin birthday mo pachaofan ka naman! Good luck and congratulations in advance sa upcoming movie nyo! Marami ka na naman mapapasaya na tao,” post ni Xian.

Sa April 19 na ang kaara­wan ni Kim and for sure ay may pasabog si Xian para sa lady love.

Samantala, nang tanu­ngin naman namin si Kim kung ano ang plano niya sa kanyang kaarawan nang makatsikahan namin siya sa presscon ng DOTGA: Da One That Ghost Away, aniya ay tulad noong nakaraang taon, ipagdiriwang niya ito kasama ang mga batang Aetas.

“Nagge-games kami, nagpe-perform sila, kumakanta sila and then dinadalaw ko sila sa bundok, nagdadala ako ng mga school supplies,” pahayag ni Kim.

Every birthday and every Christmas daw niya ito ginagawa.
***

Kasal ni Billy ‘di iisnabin ng magulang

Nasa Pilipinas na pala ang parents ni Billy Crawford para du­malo sa kasal nila ni Coleen Garcia. Noong nakausap namin kasi ang TV host/singer/dancer a couple of months ago, hindi siya sure kung makakauwi ng bansa ang ma­gulang niya dahil hindi raw binigyan ng go-signal ang mga ito ng doktor para magbiyahe.

Kaya naman, sa pagdating­ ng parents niya ngayon, sob­rang happy ni Billy.

“This is what I’ve been praying for the longest time. I would like to welcome my parents. They actually just arrived last night. Just to let everyone know it’s been four years since we’ve last seen my parents and I’m so happy that they are here,” ang pahayag ni Billy sa panayam ng ABS-CBN.com last April 14 sa ginanap na Despedida de Soltera ni Coleen.

Maging ang aktres ay sob­rang happy na nakara­ting ang parents ng kanyang husband-to-be para saksihan ang kanilang memorable moment ni Billy.

“We met four years ago and it’s their first time ever since then to come back to the Philippines because they don’t get to visit here so often. It’s great they just arrived here last night and we surprised his brother. From the airport we went straight to his brother’s condo to surprise them,” pahayag naman ni Coleen sa naturang pa­nayam pa rin.