Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Enchong, Atom, Agot pumalag sa UP, DND

0 150

NI: VINIA VIVAR

Inalmahan ng ilang celebrities ang pagpapawalang-bisa ng ng Department of National Defense (DND) sa agreement nito sa University of the Philippines. Sa kani-kanilang Twitter account ay nagpahayag ng pagkondena sina Agot Isidro, Atom Araullo, Enchong Dee at Antoinette Jadaone sa unilateral termination ng DND sa 1989 agreement with UP na nagbabawal na papasukin sa campus ang mga militar at pulisya nang walang permiso.

Base sa sulat na ipinadala ni Defense Sec. Delfin Lorenzana kay UP President Danilo Concepcion may ilang estudyante ng unibersidad ang na-identify bilang miyembro umano ng Communist Party of the Philippines/New People’s Army (CPP/NPA) at nagiging hadlang daw ang naturang agreement para magsagawa ng operasyon laban sa mga communist rebels. Marami ang kumontra sa nasabing one-sided na termination at dahil nga dito ay maaari nang pumasok ngayon ang mga military at pulis sa campus para magsagawa ng operasyon anumang oras. Ni-repost ng UP graduate na si Agot ang screenshot ng liham ni DND Sec. Lorenzana kay UP President Concepcion na nilagyan niya ng tatlong pouting face emojis at may caption na, “Keep off U.P.” Isa pa niyang tweet, “this is our U.P. Stay off our grounds.” Nag-react din ang isa pang UP grad na si Atom. Tweet niya, “The DND should ask: why is the UP community troubled by the unilateral abrogation of the accord? Surely they don’t think all of the people there are communists.” Ni-retweet naman ni direk Tonette ang post ng SINAG tungkol sa tangkang pagpasok ng isang police mobile sa UP Diliman. Nilagyan niya ito ng mensaheng, “UP guards” at raising hands emoji. Si Enchong naman ay sinagot ang isang netizen na nagtanong kung bakit daw takot na takot ang gobyerno sa UP. “Because they are afraid of people starting a revolution (Philippine flag emoji). They’re in dire need to hold on to power and money as much as they can,” sagot ng aktor.

Pumalag naman si Frankie Pangilinan sa “red-tagging” sa UP students. “Red-tagging students just proves how insecure and threatened this administration has become. protect our students. defend our rights. be brave. “This sort of unprovoked desperation from the establishment only proves that change IS possible, and likely very close — continue to speak out and fight for what’s right. we stand with you. #DefendUP,” tweet ni Frankie.

Leave A Reply

Your email address will not be published.