Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Enchong bet sitahin si Joshua

0 536

NI: ARCHIE LIAO

Sa tsikahan nina Enchong Dee at Robi Domingo sa vlog ng friendly budgetarian, nabanggit ng huli na nang gumawa ng production number ang una ay nahirapan daw ito sa kanyang dance number sa ASAP.

Katunayan, noong hinahanap daw nila si Enchong, humirit daw si Joshua Garcia na nasa dressing room ito at nagpapahinga dahil masakit ang buong katawan.

Sey pa raw ni Joshua, matanda na si Enchong kaya naman hinihingal na raw ito pagdating sa kanyang production number sa naturang programa.

Pagbibiro naman ni Enchong, balak niyang kastiguhin o sitahin si Joshua dahil sa panlalaglag nito sa kanya.

Nagpapasalamat naman si Enchong na kahit na may isyu sa prangkisa at sa kabila ng pandemya ay may mga proyekto pa rin siya sa ABS-CBN.

Katunayan, looking forward daw siya lagi sa kanyang stint sa nasabing Sunday noontime musical variety show.

Minsan daw, hindi na raw tungkol sa pera-pera ang usapan sa pagtanggap sa mga ganitong klaseng proyekto ang tinitingnan niya lalo na kung ang mga executives ng network ang naglambing sa kanya.

Sa kaso raw niya, iyong maibalik lang niya ang pabor na ginawa ng network sa kanyang karera bilang actor at dancer ay malaking bagay na.

Sa pag-uusap pa nila, sinabi niya na kaya umano sila nagki-klik ni Robi ay pareho silang masinop pagdating sa pananalapi.

Pareho rin daw silang hindi mahilig sa luho o luxury items.

Sa kanilang edad, masasabing achievers na sina Enchong at Robi .Bukod sa nakagawa na sila ng pangalan sa showbiz bilang actor at TV host ay nakapagpundar na rin sila ng kani-kanilang mga negosyo dahil sa pag-iipon.

Aminado rin ang dalawa na naapektuhan ang kanilang mga negosyo ng pandemya pero sa ngayon, mas iniisip daw muna nila ang makatulong sa kanilang empleyado na umaasa ng kabuhayan sa kanila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.