Abante Tonite Interactive

Enchong dismayado sa eleksyon

0 632

Dismayado ang Kapamilya actor na si Enchong Dee sa resulta ng katatapos na senatorial election.

Bilang isang millennial, nagha­hanap siya dahil kapansin-pansin na tila raw hindi narinig ang boses ng kabataan.

Pero lalo siyang dismayado sa mga celebrities na ngayon lang naglalabas ng kanilang disappointment sa mga nahalal na mga kandidato na nanatiling tahimik lamang at ayaw makialam sa usapin ng bayan noong wala pang eleksyon.

Sey niya sa kanyang social media account, “A celebrity who prefers to stay silent during non-election years, and prefers popularity over socio-political conversations, for me, is very much late to voice out their dismay.”

Wala na raw magagawa ang mga ‘mema’ ng mga ito para mabago ang naging resulta ng halalan.

Si Enchong ay kilala bilang kritiko ng administrasyon at isa sa mga kabataang nagnanais ng pagbabago sa gobyerno. (Archie Liao)