Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Enchong hinahanapan ng dyowa

0 76

Marami ang nagbunyi nang ipasilip ni Enchong Dee sa kanyang Instagram ang kanyang bagong bahay sa Makati.

“Visualizing this since 13…” caption ng kanyang post.

Nakatanggap naman siya ng congratulatory messages sa kanyang followers.

Natutuwa sila sa bagong milestone sa buhay ng aktor.

Sey nila, at 32, stable na raw ang aktor at lovelife na lang ang kulang.

Hirit pa nila, masuwerte raw ang magiging partner nito dahil financially secure na ito.

Si Enchong ay isa sa pinakamasinop na artista pagdating sa kanyang finances.

Bukod sa may-ari ng kilalang chain ng

restaurants, may building din ito sa Cubao na pinarerentahan.

Katunayan, sa kanyang estado, puwede na siyang maagang magretiro sa showbiz kung gugustuhin niya.

Sharon,Gabby wish sa balik-akting ni KC

Maraming faney ang nag-react sa pabuwena manong bati ni KC Concepcion sa pagwe-welcome ng Chinese New Year.

Sey niya:

“May the Year the Ox bring me some acting projects that will stream on Netflix, and true love to go beyond Netflix and Chill!”

Sang-ayon naman ang mga netizen na napapanahon na para magbalik sa pag-arte ang anak ng megastar.

Hirit pa ng ilang faney, since okey na sila ng ex nitong si Papa P, bakit daw hindi sila gumawa ng project together lalo pa’t marami ang nag-aabang sa kanilang tambalan.

May mga nang-uurot din kung may second chance raw para sa romansa ang dalawa lalo pa’t pareho silang single sa ngayon.

Swak din daw kung magsasama sila ng parents niyang sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa isang proyekto.

Clau ready nang magka-boyfriend

Pagkatapos ng hiwalayan at ongoing legal battle nila na ng ex na si Raymart Santiago, nakapag-move on na raw si Claudine Barretto.

Katunayan, sa panayam sa kanya sa Youtube channel ng kaibigang si Janelle Jamer, inamin niya na handa na siyang muling magkaroon ng boyfriend.

“Oo naman. Kaya lang, wala pa rin talagang dumarating. Hindi ko rin kinukulit si God na ‘pag dumating, eh darating talaga. Ganu’n talaga eh,” ani Claudine.

Dagdag pa niya, ready na rin daw siya na magka-baby muli bagamat hindi niya ito plinaplano.

“Siguro mag-adopt, okay na ako. Kumpleto na ako, two boys, two girls. Pero ‘yung magdagdag pa, hindi ko kino-close ‘yung door ko. Hindi ko rin iniisip na magdagdag pa. Kumbaga, happy na ako, kumpleto na ako as a mother,” paliwanag niya.

Wala rin daw problema sa kanya kung ipa-freeze ang kanyang eggs para sa future hubby.

“Sana kapag nakahanap na ako, kapag dumating na si Mr. Right, sana magkaroon pa. Pero ‘di ba, gaya ng pinag-usapan natin, nagpapa-freeze ng eggs ngayon. Isa pang biological,” bulalas niya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.