Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Enchong imbyerna sa kawatan, pumalag sa bansag na kuripot

0 233

NI: ARCHIE LIAO

Sa isang podcast, nagbigay ng budgetarian tips ang Kapamilya actor na si Enchong Dee.

Natanong din siya kung nasasaktan daw ba siya kapag siya ay binabansagang “kuripot.”

Ani Enchong, hindi raw siya apektado.

Medyo nao-off lang daw siya sa mga taong inaakusahan siyang kuripot na hindi naman niya kilala.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I think, nagkaroon ako ng point na wherein nasaktan lang ako dahil merong mga taong hindi ko kakilala na tinatawag akong kuripot . Na, “Bakit kilala mo ba ako?” Di ba, I think, and I think ah, itong paglalabas ko sa vlog. All of a sudden, they have a different perspective kung bakit ba iyong kuripot sa masinop sa pera, di ba? .So parang all of a sudden, ah, ok, now I understand, na kasi may pinaglalaanan lang siya,” sey ni Enchong.

Hirit pa niya, wala raw namang masama para sa kanya ang maging masinop sa pera ang isang tao tulad ng isang artistang tulad niya lalo na sa panahon ng pandemya.

Katunayan, mas hate raw niya ang mga nananamantala, nanloloko o nagnanakaw sa kanilang kapuwa sa masamang paraan.

“Hindi nating kailangang lagyan ng masamang ‘understanding’ iyong pagiging kuripot. Dapat nga mas masama ang tingin natin doon sa magnanakaw ng pera hindi doon sa kuripot sa hard-earned money,” paliwanag ni Enchong.

Leave A Reply

Your email address will not be published.