Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Enchong mahal pa rin si Maja

0 358

Inurirat si Enchong Dee sa kanyang latest virtual mediacon tungkol sa panliligaw niya noon kay Maja Salvador. Mabuti na nga lang daw na nalampasan nila ang awkward stage.

Hanggang ngayon ay friends pa rin sila at sey niya, he still loves Maja bilang kaibigan.

“I still love Maja. I love Maj, anytime she needs me, I’m ready to listen. Same thing with other people, you know. When I love someone, I can’t let go of that love,” sabi ni Enchong.

Inamin din ng aktor na may napupusuan na siya pero hindi pa raw siya ready na i-reveal kung sino ito.

Sinabi rin ni Enchong na willing niyang iwan muna ang showbiz or magbakasyon muna kung sakaling mai-in-love siya.

“When I’m ready to fall in love again, I need to take a break from something that I’m doing right now. Maybe showbusiness, maybe some other businesses, but I will definitely make time for that because that’s the next chapter,” sey ni Enchong.

Vice proud sa 10M follower sa IG

Masayang-masaya si Vice Ganda sa bagong milestone na na-achieve kahapon. Umabot na sa 10 million ang kanyang followers sa Instagram kaya naman nag-post siya ng pasasalamat sa kanyang supporters.

“Ang totoong maganda maraming followers! Henay zenkyoooooowwww!!!!” ang post ng Unkabogable Star.

Noon pa ay laging kasama si Vice Ganda sa top 10 most followed celebrities sa IG along with Anne Curtis (na laging nasa no. 1) with 17.3 milllion followers, Liza Soberano with 16.4M, Kathryn Bernardo with 16M, Pia Wurtzbach with 13M, Andrea Brillantes with 12.8M,Catriona Gray with 12.6M, Alex Gonzaga with 11.5M, Marian Rivera with 11.3M, Kim Chiu with 10.8M and Julia Barretto with 10.5M.

Mataas din ang followers ni Vice Ganda sa Twitter na 14.2M habang sa YouTube naman ay mayroon siyang 5.97M subscribers.

Leave A Reply

Your email address will not be published.