Abante Tonite Interactive

Enchong nawalan ng cellphone sa Paris

By
2,925

Ang pagiging makakalimutin ni Enchong Dee ang dahilan kung bakit maraming nawalang personal belo­ngings niya sa kanyang pag­lalagalag.

Sa kanyang Twitter post, ibinalita ni Enchong na naiwan ang kanyang cellphone. Sumunod naman ang kanyang wallet.

Ang nakakatuwa sa Kapamilya actor, idinaan pa niya sa biro ang pagkadismaya niya sa pagiging makakalimutin.

Abante Hiring – IT dep

@enchongdee777, “So last week I left my phone in Paris to Istanbul flight..this week my wallet..cash, credit cards, license etc…my memory or whatever part of my brain that suppose to remember things is getting worse. Pano kung isang araw makalimutan ng tumibok ang puso ko? Ano gagawin mo?”

Kung ibang mga artista marahil ang nawalan nang sunod-sunod na mga importanteng bagay, nag-emote na sa kanilang post.

Well, tumugon naman ang mga fan ni Enchong na nagsasabing sila na lang ang palaging magpapaalala sa aktor na kailangan niyang magmahal.

Matagal na ring walang nababalitang karelasyon ang aktor mula nang mahiwalay siya sa kanyang non-showbiz model girlfriend.

Ang naging sentro na lang ng atensyon ni Enchong ay ang kanyang mga kaibigang sina Erich Gonzales, Maja Salvador at Bea Alonzo.

***

Ayaw paawat ang kaseksihan ni Winwyn Marquez sa Ins­tagram. Habang tumatagal ay lalong nagiging masarap sa paningin ng kanyang mga fan at mga barakong admi­rers sa socmed.

Ang latest sexy photo ni Winwyn ay talaga namang nakakalaglag-balikat dahil kahit saang anggulo, pamatay ang pigura ng Kapuso star.

Naka-post sa IG wall ni Winwyn ang larawan nito na suot floral two-piece bikini. Naka-unat ang katawan ni Winwyn sa bangka habang nakatayo siya.

Wala kang makikitang anumang pintas sa katawan ni Winwyn. Mula ulo hanggang paa saksakan ito ng kaseksihan.

Impis na impis ang kanyang t’yan na nagpapakita nang toned abs nya.

Dahil nga sa may titulo ang katawan ni Winwyn bilang Reina Hispanoamericana 2017, kahit sinong toned-boy Kapuso star na itapat sa kanya, hindi siya puwedeng pagmalakihan.

Gaya nga nang madalas sabihin ng mga follower ni Winwyn at fans sa social media, tanga na si Mark Herras kung pakakawalan pa niya ang binansagang Dyosa ng kaseksihan!

Si Winwyn ay magiging leading lady rin sa bagong pelikula ni Vhong Navarro sa Regal Films. Mapalad si Vhong dahil maangkin niya ang kaseksihan ni Winwyn sa naturang movie.