Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Enchong ‘tinapyas’ ang taba ni Kyle

0 273

Sa kanyang vlog, ipinakita ni Enchong Dee ang iba’t-ibang video at off cam moments na nakunan sa set ng seryeng “Huwag Kang Mangamba”.

Ani Enchong, sa villa na kanyang tinuluyan, naging bonding daw nila ng kanyang mga co-stars ang pagkain, pagi-ehersisyo at masayang kuwentuhan.

Isa sa mga naging close sa kanya ang kapuwa stars niya na sina Kyle Echarri at Seth Fedelin.

Si Kyle raw ang madalas niyang nakakasama at nakakakulitan.

Naglalaro raw sila ng cards at naging constant companion daw niya ito sa pagwo-workout sa kanyang kuwarto.

Kumpara rin daw kay Seth, mas masipag magpapawis si Kyle.

Katunayan, siya raw ang nagturo at nagsilbing fitness coach ng miyembro ng Gold Squad sa kanilang pagi-ehersisyo.

Ani Enchong, natutuwa rin daw siya na sa nakikita niya ngayon, na-achieve na ni Kyle ang kanyang fitness goals dahil nabawasan na rin ang pagiging mashuba nito.

Matatandaang sa previous vlog ni Enchong, ipinakita niya kung paano niya iprinank si Kyle sa pamamagitan ng pagtatago ng cellphone nito.

Jed inatake ng depresyon

Sa panayam ni Jed Madela sa vlog ng talent manager-turned vlogger na si Ogie Diaz, ipinaliwanag niya ang ibig sabihin ng kanyang cryptic post sa kanyang Facebook account . May kaugnayan ito sa pinagdadaanan niyang depresyon.

Ayon sa magaling at award-winning singer, dati-rati raw ay isa siyang worrier.

Katunayan, dumating daw talaga siya sa puntong kinukuwestiyon na niya ang worth niya bilang artist.

Dati raw kasi, hindi siya napipirmi sa bahay dahil sa sobrang kaabalahan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kaliwa’t-kanan din noon ang kanyang mga commitments to do concerts at shows abroad na hinahanap-hanap daw ng kanyang katawan.

Nami-miss din daw niya ang adulation ng fans kapag bumibirit siya.

Pero magmula raw nang magkaroon ng pandemic, nabago raw ang lahat.

Dahil wala ngang live entertainment shows, natengga siya. Maging ang kanyang management ay nahirapang ihanap siya ng trabaho.

Dumanas din daw siya ng depression at naapektuhan ang kanyang self-esteem.

Kung nakakapag-post man daw siya ng kanyang mga hugot sa social media, ito raw ay nagsilbing outlet niya para ilabas ang kanyang nararamdamang frustration.

Kung KSP daw ang dating nito sa iba, para sa kanya ito raw ay isang “call for help.”

Sa panahon din daw ng pandemya, nakilala raw niya ang mga tunay na kaibigan na handang dumamay sa kanya.

Nag-seek daw naman siya ng professional help at may medikasyon siya para sa kanyang anxiety attacks.

Marami rin daw siyang natutunan sa panahong salat ang raket sa showbiz.

Para magsilbi na ring therapy, ibinuhos daw niya ang kanyang atensyon sa paggawa ng toys na nakadagdag sa kanyang mga pinagkakakitaan.

Thankful din si Jed dahil sa kabila ng pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN ay meron pa rin siyang trabaho bilang performer sa ASAP at iba pang shows ng Kapamilya network.

Tungkol naman sa bashers, dati-rati raw ay madali siyang maapektuhan ng pamba-bash lalo na kung nilalait ang kanyang katabaan.Pero ngayon daw ay hindi na siya napipikon at keber na lang siya sa banat sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.