Abante Tonite Interactive

Enchong walang kinampihan kina Bea, Gerald

0 492

Tinanong si Enchong Dee kung ano ang suportang ibinigay niya sa kaibigan niyang si Bea Alonzo sa kontrobersiyang pinagdaanan nito.

“To be fair, wala ako sa lahat ng ‘to. Hindi ko idinikit ang sarili ko. Saka intindi naman namin ‘yun. Kahit sa kanila… to all the people involved. I think, they respected also the silence of all their friends,” maikling pahayag ni Enchong.

Nasa presscon ng Knowledge Channel si Enchong. Mapapanood naman siya sa bagong season ng “Agricoolture” na tamang-tama naman dahil may interest pala siya sa farming since nag-invest daw siya recently sa isang farm lot.

Kaya naman nahingan ng opinyon ang aktor tungkol sa malaking krisis na nangyayari ngayon sa ating magsasaka dahil sa pagbaba ng presyo ng palay.

“Mahaba-haba pong usapan ‘yan, pero siguro po, kung may iiwan man akong mensahe, naalala ko po, kung hindi ako nagkakamali, si Pangulong Magsaysay po, ‘di ba pinush niya ‘yung ‘Filipino First’? So, kung puwede po sana nating gawin sa gobyerno natin ngayon na unahin muna ‘yung mga Pilipino, hindi lang pagdating sa agriculture.

“Unahin din natin sa trabaho, unahin din natin sa lupain natin, ‘di ba? Kung kaya nating unahin ‘yung kapwa-kababayan natin, gawin natin, kasi I will always go back to wala naman pong tutulong sa atin kungdi tayo-tayo rin lang, eh.

“So, kung puwede po (na gawin) ng gobyerno na protektahan at pangalagaan ‘yung mga kababayan natin, gawin po sana natin,” pahayag ni Enchong.

Magsisimula na rin ngayong October ang “Agricoolture” na mapapanood tuwing Biyernes at Sabado, 4:30pm. (Vinia Vivar)