Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Enciso ibibigay lahat sa SMB

0 55

Simple lang ang mindset ni Simon Enciso sa San Miguel Beer – ibigay kung ano ang hihingin sa kanya ng bagong team.

Nasa pang-anim na team na niya sa PBA ang Fil-Am guard na second-round pick ng Rain or Shine noong 2015.

Nakapaglaro na basketbolista sa NLEX, Phoenix, Alaska, TNT, Blackwater at Terrafirma.

Kalilipat lang niya sa Dyip mula Bossing nang kunin ng Beermen sa one-on-one trade kay veteran playmaker Alex Cabagnot.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“I just kind of adopt to what the team needs, whether it’s my defense, shooting or a solid point guard to run a team ang give those guys their touches,” ani Enciso sa The Chasedown Sabado.

Nakapag-ensayo na ang California native sa Beer, nakakaamuyan na ang mga bagong kakampi tulad ina June Mar Fajardo, Chris Ross, Marcio Lassiter, Terrence Romeo, CJ Perez.

“It’s good having them on your team instead of competing against them,” aniya pa. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.