Abante Tonite Interactive

Endo bill ng DOLE ihahain sa Kongreso

279

Hindi malayong sertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mabilis na pagpasa sa Security of Tenure Bill na mu­ling inihain sa Kongreso.

Sa kabila ito ng ginawang pag-veto ng Pangulo sa enrolled bill noong nakalipas na linggo bago tuluyang ma­ging batas ang naturang panukala.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na batay sa pagkakaalam niya, may isinusulong nang mungkahi ang Department of Labor and Employment (DOLE) para amyendahan ang na-veto na anti-endo bill.

“I think so, yes. There will be amendments. So the suggestion by the Department of Labor could be the subject of any amendment to the bill,” ani Panelo.

Bagama’t muling inihain ni Senador Joel Villanueva ang mismong Security of Tenure Bill, sinabi ng kalihim na posib­leng isama sa panukala ang mga rekomendasyon ni DOLE Secretary Silveste Bello III sa bagong anti-endo bill. (Aileen Taliping)