Abante Tonite Interactive

Endo bill pasado sa Senado

390

Lusot na sa Senado ang panukalang batas na magwawakas sa labor-only contracting.

Sa botong 15-0, inap­rubahan sa ikatlo at hu­ling pagbasa ang Senate Bill 1826 o ‘end endo’ bill na inakda at inisponsoran ni Senador Joel Villanueva.

Ayon kay Villanueva, nakasaad sa panukala ang pagbabawal sa labor-only contracting at binigyang-linaw ang mga malalabong probisyon sa mga labor law.

Abante Hiring – IT dep

Sa ilalim ng panukala, binigyan-diin ang apat na uri ng employment: regular, probationary, project, at seasonal.

Ang project at seaso­nal worker ay may kaparehong karapatan tulad sa regular employee gaya sa minimum wage at social protection benefit.

Nakasaad din sa panu­kala na lahat ng contractor ay dapat na magkaroon ng lisensya mula Department of Labor and Employment (D0LE) para mabusisi ang kanilang kapasidad na dapat ay nakasunod sa mga labor law at regulation.

Sa kabila naman ng ilang araw na lamang ang natitira sa 17th Congress, tiwala si Villanueva na mata­talakay pa ang panukala sa bicameral conference.

Noong 2018 ay inilabas ng DOLE ang listahan ng 20 kompanya sa bansa na sangkot aniya sa labor-only contracting.

Nasa top 5 ng lista­han ang Jollibee Food Corporation ni Tony Tan Caktiong, Dole Philippines Inc., PLDT ni Ma­nuel V. Pangilinan, Philsaga Mining Corporation, at General Tuna Corporation. (Dang Samson-Garcia)