Abante Tonite Interactive

Endo sa gobyerno extended hanggang 2020

By
0 97
Binatikos ng mga government wor­ker ang pag-extend ng mga naka-endo sa gobyerno hanggang 2020.

 

Matatandaang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatapusin na niya ang endo noong nangangampanya pa siya para maging Pangulo.

 

Kasalukuyang hinihimay ng Civil Service Commission (CSC), Commission on Audit (COA), at Department of Budget and Management (DBM) ang patakaran sa pag-extend ng Joint Circular No. 1, 2017 na nagbabasbas sa mga ahensiya ng gobyerno na kumuha ng manggagawang naka-endo.

 

Ang Joint Circular sa endo ay patatagalin hanggang December 31, 2020.
“Dapat bawiin o ibasura (ang joint circular) dahil ‘di nito layuning itigil ang kontraktuwalisasyon at iregularisa ang mga kawani,” sabi ni Confederation for Unity Recognition and Advancement of Government Employees President Ferdinand Gaite.