Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Endo tuldukan na – VP Leni

0 219

Tampok sa mensahe ni Vice President Leni Robredo nitong Labor Day ang pagkakaloob ng seguridad sa trabaho ng mga manggagawa.

Para kay Robredo, napapanahon nang magbigay ng konkretong aksyon ang pamahalaan laban sa kontraktuwalisasyon.

“Sa araw na ito, kinikilala natin ang mga manggagawang Pilipino at ang kanilang ambag sa lipunan at sa kasaysayan. Maging araw sana ito hindi lamang ng papuri at pasasalamat, kundi pati ng konkretong aksyon sa mga isyung matagal nang idinadaing ng mga manggagawa: Ang pagtuldok sa endo [end of work contract] at kontraktuwalisasyon,” sabi ni Robredo.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Bukod sa problema sa endo, nanawagan din si Robredo para sa proteksyon ng mga manggagawa sa Pilipinas at sa mga nasa ibang bansa na siyang pinagkukuhanan aniya ng pera na maipadala sa mga pamilya.

Dapat din aniyang tulungan ang mga manggagawa na nawalan ng trabaho at magbigay ng mabilis at episyenteng public transportation at ligtas na workplace. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.