Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Enerva, Yu sa Usapang Ruweda

0 191

Panauhin sa Abante Radyo Tabloidista “Usapang Ruweda” bukas, Linggo ang mag-asawang breeder na sina Randy Enerva at Maginie Yu ng MYRE GF.

Magsisimula ang programa sa ala-1:00 nang hapon hanggang alas-2:00 nang hapon na mapapanoood sa Abante Radyo Tabloidista facebook, YouTube at sa Abante website.

Ilan sa mga tatalakayin nila kay host Elech Dawa ay ang challenges sa pagpa-farm ngayong quarantine period at pinagkakaabalahan habang wala pang mga sabong.

Kasalukuyang dalawang farm – sa Zambales at Lucena – ang inaasikaso ng magkabiyak.

Sa nakaraang episode ang lady breeder na si Sheryl Lomboy ang bumisita sa Usapang Ruweda.

Leave A Reply

Your email address will not be published.