Abante Tonite Interactive

Engineer nagbaon ng mga bala sa MRT huli

287

Nahaharap sa kasong­ comprehensive firearms and ammunition regulation act at illegal possession of ammunition ang isang electronics engineer matapos makuhanan ng mga bala ng iba’t ibang uri ng baril nang tangkaing pumasok at sumakay ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Taft Avenue Station, Pasay City, Huwebes ng gabi.

Batay sa report, inaresto ng security guard ng Taft Avenue Station si Xavier Sumaya, 26-anyos, residente ng Pila, Laguna.

Sa inilabas na report­ ng Department of Transportation (DOTr) MRT-3, inaresto si Sumaya bandang alas-8:20 Huwebes ng gabi nang inspeksiyunin ng nakatalagang security guard sa Taft Avenue Station ang dalang bag ng suspek at nakita ang mga assorted ammunition kabilang na ang bala ng M203 grenade launcher, M16 rifle, .45 caliber pistol, .40 caliber pistol, .38 caliber pistol, at .9 mm pistol.

Nakakulong ngayon­ ang suspek sa Pasay­ City Police station. (Vick Aquino)