Abante Tonite Interactive

Engineering student swak sa buy-bust

By
141

Isang 20-anyos na lalaking engineering student na bukod sa pag-aaral ay nagtutulak din ng droga ang nasakote sa buy-bust operation ng mga pulis sa Mandalu­yong City.

Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency-Special Enforcement Service Director 3 Levi Ortiz, ang suspek na si Andro Santos, 4th year civil engineer student sa isang kilalang unibersidad ay naaresto sa tirahan nito sa isang sikat na condominium sa Mandaluyong.

Nakumpiska sa kanya ang 45 gramo ng hinihinalang shabu na aabot sa halagang mahigit P300,000.

Sinabi ni Ortiz na may nakapagbigay sa kanila ng impormasyon kaugnay sa malakihang pagbebenta ng suspek ng shabu, kaya nila ito isinailalim sa surveillance at nang magpositibo ay saka ikinasa ang buy-bust.

Nabatid na tumigil umano sa pag-aaral si Santos at mas minabuti nito na magtulak na lang ng droga dahil mas mala­ki umano ang kanyang kinikita.

Bukod kay Santos, inaresto rin ang tiyahin ng suspek na si Evelyn Santos na nagsisilbi umanong taga-deliber ng droga at tatlong iba pa na kinilalang sina Herminigilda Delos Reyes, Redish Espiritu at Denis Klitonjua.

Ikinulong sila sa PDEA headquarters habang inihahanda na ang mga kasong isasampa laban sa kanila.