Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Engkuwentro sa Lagim ng Bangungot

0 143

Mga ka-Misteryo kayo ba ay nakaranas ng bangungot? Ano ang nangyari sa inyo nang kayo ay bangungutin?

Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Si Leo ng Batangas ay dumanas ng sunud-sunod na bangungot nitong kaya’t naidulog niya ito sa #Misteryo.

Misteryo: “Paano ba ang nangyari sayo? Bakit ka binangungot? Busog ka ba o bagong kain nang matulog ka?”

Leo: “Hindi naman ako busog na busog ng matulog kasi nagpapahinga muna ako bago matulog. Nanonood muna ako ng tv hanggang sa dalawin ng antok. Pero nung gabi na yun kakaiba talaga.”

Misteryo: “Ano ba yung experience mo sa bangungot na yun? May nakita ka bang kakaibang nilalang?”

Leo: “Di ba normally isang bangungot lang ang nararanasan natin pero nung gabing yun tatlong magkakasunod na bangungot ang nangyari sa akin. Yung una may narinig akong kalabog sa tabi ng higaan ko then yun na binangungot na ako. Akala ko matutuloy pumalag ako pinilit ko galawin ang braso ko. Ayun! Nakaalpas ako.”

Misteryo: “Walang entity na nagpakita sayo? Or anything na source ng bangungot mo?”

Leo: “Wala akong nakita. Yun lang sound na yun ang nag-trigger at gusto na ako dalhin sa bangungot.”

Misteryo: “So ano yung sunod na bangungot mo? Any difference sa una brod?”

Leo: “This time medyo impulsive siya may mas malakas na force kaya biglang andun na ako sa stage ng bangungot. May naramdaman ako na blanket of energy na lumukob sa akin hindi ko ma-resist nung una kaya nag-chant ako.”

Misteryo: “Mukhang stronger ito kung ganun. Ano yung chant na ginamit mo?”

Leo: “Yung Buddhist monk chant na Om Mane Padme Hum paulit-ulit ko binigkas aloud medyo hirap pa nga lips ko na bigkasin nasa kabila na kasi consciousness ko. After 5 chants ayun balik ako sa diwa ko.”

Misteryo: “Wow! Grabe pala yang experience mo. Then Ano nangyari sa third bangungot mo?”

Leo: “Much stronger pre. Yung isang snap na gusto na ako dalhin sa nightmare. This time nag-invoke na ako ng light sobrang lakas ng light ang bumagsak talsik yung entity.”

Kayo mga ka-Misteryo, ano ginagawa niyo pag binangungot na kayo? Basically ang bangungot isa a dark-driven dream kaya important ang prayers bago matulog.

Para sa inyong kuwentong kababalaghan, mag-email sa misteryophilnet@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

Leave A Reply

Your email address will not be published.