Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Engkuwentro sa QC: 8 holdaper, agaw-motorsiklo bulagta

0 40

Limang sinasabing holdaper at tatlong motornapper ang napatay nang makipagbarilan sa mga awtoridad sa tatlong magkakahiwalay na insidente sa Quezon City, Huwebes ng gabi at Biyernes ng madaling araw.

Ayon kay QCPD Director, Police Brig/Gen. Danilo P Macerin, alas-9:10 ng gabi (February 18), unang nakaengkwentro ng Police Community Precinct 1 (Culiat), PS-14, si Marvin Dela Peña, 31, binata, scavenger, ng Barangay Pasong Tamo, Quezon City

Tinangay umano ni Dela Peña ang Yamaha NMax model 2020, matapos na tutukan ng patalim si Keneth Roblico kaya agad itong nag-report sa mga pulis.

Nang maaresto si Dela Peña at habang kinukunan ng finger prints ni PCpl Mark Andrew Reyes ay sinunggaban nito ang service firearm (Glock 17 Gen. 4 9mm) kaya nagpambuno ang dalawa.

Nang makita PSSg Cabanting ang insidente ay pinaputukan nito si Dela Peña.

Ala-1:20 ng madaling araw (February 19) nang makasagupa naman ng District Anti-Carnapping Unit at napatay ang dalawang hindi pa nakilalang sinasabing motornapper sa Payatas Road, Group5, Payatas B. Brgy., Payatas, matapos umanong makipagbarilan sa mga awtoridad.

Ito ay matapos ireklamo ng grab driver na si Emmanuel Montefalcon, 25, na tinangay ng mga suspek ang kanyang NMAX MC 155 at cellular phone.

Bandang alas-4:00 ng madaling araw (February 19), nang holdapin ng anim na kalalakihan na magkaka-angkas sa tatlong motorisklo ang Uno Gasoline Station sa Commonwealth Avenue, Barangay North Fairview, sa lungsod.

Napadaan sa lugar si PMSg, Ericson Remigio, ng PNP Legal Service kaya ini-report sa HPG, QCPD na pinamumunuan ni PMaj. Daniel B Pumecha Jr., na agad namang rumesponde.

Sa halip na sumuko, nakipagbarilan umano ang mga suspek kaya gumanti ang mga operatiba at bumulagta ang lima habang nakatakas ang isa.

Inaalam pa ang pagkikilanlan ng mga napatay na suspek. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.