Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ennis may asim pa

0 54

May nakita pa ang ibang teams na asim mula kay James Ennis, marami-rami rin ang napapaulat na nagkakainteres sa veteran forward.

Kabilang dito ang Los Angeles Lakers.

Mula kay Michael Scotto ng HoopsHype nitong Miyerkoles:

“James Ennis has drawn interest from the Blazers as well as the Bulls, Lakers and Magic, I’m told.”

Galing Orlando nitong nagdaang season si Ennis, 31, at nag-average ng 8.4 points, 4.0 rebounds, 1.5 assists per game. Pasok ang 47.3 percent ng kanyang mga tira sa field, mataas na 43.3 percent sa labas ng arc.

Nakalistang 6-foot-6 at 11-year veteran, mainam na defender sa wing si Ennis dahil sa wingspan niyang halos 7 feet.

Mukhang mapupuno na ang 15 guaranteed roster spots ng Lakers kapag napapirma na si veteran center DeAndre Jordan.

Meron pang hanggang Sept. 28 – sa pagsisimula ng training camp – para magdesisyon ang magkabila. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.