Abante Tonite Interactive

‘Enough’ sigaw ng Lakers sa insidente ng pamamaril

By
283

Bago hinarap ang dayong Atlanta Hawks Linggo ng gabi, nagbigay ang Los Angeles Lakers ng moment of silence para sa 12 kataong namatay sa bar shooting sa Thousand Oaks, California ilang araw na ang nakakaraan.

Binasa ni public address announcer Lawrence Tanter ang bawat pangalan ng mga biktima.

Nagsuot ang Lakers at Hawks ng parehong black T-shirts na may “Enough” sa harap at pangalan ng 12 napatay sa likod.

Ganito rin ang ginawa ng Milwaukee Bucks at Los Angeles Clipper sa warm-ups bago ang laro noong Sabado.

Ang Thousand Oaks ay one-hour drive lang mula sa Staples Center, ang home ng Lakers at Clipper.

Unang political statement ito ng Lakers sapul nang dumating si LeBron noong July.

Kilala si James sa kanyang activism. Noong nasa Miami pa, nagsuot sila ng Heat teammates ng hoodies matapos mapatay si Trayvon Martin.

Nanawagan din siya, kasama sina Dwyane Wade, Chris Paul at Carmelo Anthony, ng pagbabago sa ESPYs.

Pinagbabaril hanggang mapatay ni military veteranian David Long ang 12 katao sa country music bar. Nagbaril din sa sarili si Long, 28.

Walang binigay na dahilan si Long sa kanyang posts sa Instagram. Trip lang daw niya.

“Fact is I had no reason to do it, and I just thought … life is boring so why not?” post ni Long, ayon sa ABC news.