Abante Tonite Interactive

Enrile, Puno banggaan sa ABS-CBN franchise bill

0 924

Magkaiba ang panananaw ng dalawa sa mga pinakamahusay na legal expert sa bansa sa pag-interpret kung paaano itatrato ng Senado ang nakabinbing franchise bill ng ABS-CBN.

Sa pagdinig ng Senate committee on public services, sinabi ni dating Supreme Court (SC) Chief Justice Reynato Puno Jr. na mas tama para sa Senado na hintayin muna ang bersiyon ng Kamara sa franchise bill ng Kapamilya network bago ito magpatuloy sa deliberasyon sa naturang panukala.

“It is best to hear the final sense of the House of Representatives. In other words, the Senate should await for that bill already in its final form,” sabi ni Puno.

Pero sabi ni dating Senador Juan Ponce Enrile, bagama’t sang-ayon siya na dapat magsimula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga local bill, hindi aniya puwedeng i-apply ang opinion ni Puno sa mga panukalang konektado sa national interest.

“If we are going to follow the Chief Justice’s position, we’ll become too rigid in our legislative functions,” sabi ni Enrile.

Iginiit naman ni Puno na ang orihinal na probisyon ng Konstitusyon na nagsasabing ang mga private bill, tulad ng franchise bill, ay dapat magsimula sa Kamara.

“The Constitution is clear that both Houses can tackle the law not in a sequential basis. Both Houses can initiate the law deliberate on the law the without any restriction,” paliwanag ni Puno.

Pero giit naman ni Enrile, “But we’re talking here of a special kind of a law. Laws of local application and private bills and so on. This is a different kind of a law, because of the additional constitutional provision on origination.”

Sa tagpong iyon, pinaalalahanan naman ni Senador Sherwin Gatchalian, na siyang namuno sa pagdinig ng komite, na hayaan muna si Puno na magsalita bago ito magbigay ng kanyang opinyon. (Dindo Matining)

Tonite – Wendys Inhouse Ad