Abante Tonite Interactive

Enrique-Liza buwag sa ‘Darna’

By
3,515

Pansamantalang ‘buwag’ ang LizQuen sa ‘Darna’ movie ni Liza Soberano. Nawalan ng pag-asa ang kanilang mga fan na magsama sa nasabing malaking pelikula.

Maugong kasi noon na gaganap umano na ‘Captain Barbell’ si Quen sa ‘Darna’.

Napagdesisyunan ng management na tsugu­hin na lang ang actor at ‘wag isali sa naturang pelikula.

Abante Hiring – IT dep

Tanggap naman ni Quen ang pagkakaligwak niya sa proyekto.

May sawa factor nga naman sa LizQuen dahil kasalukuyang umere pa ang primetime series nilang ‘Bagani’ na fantaserye tapos magsasama na naman sila sa super hero -fantasy movie.

“Part ng growing up bilang mga artista ang paghihiwalay ng LizQuen. Gumawa na rin naman ng pelikula si Enrique na wala si Liza,” sambit ng aming source.

Pero marami ang naiinip sa ‘Darna’. Ang daming isyu at paandar na naglalabasan pero wala pang balita kung kailan ang regular shooting nito.

Anyway, kahit hindi magkasama sina Liza at Enrique sa nasabing proyekto, binusog naman nila ang mga die hard fan sa kilig pagkatapos maging viral ang kanilang video na naglalam­bingan.

May video clip sa IG story ni Quen na makikita si Liza na ginamitan ng animated face filter app. “My bubu beaw” ang caption ni Quen.

Nag-PDA pa si Liza na hinalikan sa pisngi ang aktor Halatang nagulat si Enrique. Hindi naman pakipot ang dating pero hindi niya expected na si Liza mismo ang hahalik.