Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Enrique mukhang ‘tito’ ni Liza

0 150

Last Sunday ay star studded ang ASAP Natin ‘To. Bilang paggunita kasi sa ika-isang taon ng pagpapasara sa network ay nag-reunion ang Kapamilya stars. Isa sa mga loveteam na inabangan ay sina Enrique Gil at Liza Soberano. Pero maraming mga netizen ang nakapansin ng pagtaba ng aktor. Mas bagay daw talaga niya ang payat na pangangatawan.

May pumuna rin na mukhang ‘tito’ na raw ni Liza si Quen nang makita silang mag-judge sa Binibining Pilipinas dahil lumusog.

Grabe naman sila. Kung nanaba man si Enrique, guwapo pa rin ito. Hindi rin maiiwasan dahil matagal nang walang work . Hindi siya pressured na kailangan payat lang.

Isa pa marami talaga ang nag-gain ng weight dahil walang kontrol sa pagkain. I’m sure naman kapag nagsimula na ang bagong project ng LizQuen ay babalik sa dati ang katawan ni Enrique.

Mr. M kinabog ng Star Magic sa Twitter

SM food to go Banner Ad

Kasabay ng pag-welcome kay Johnny Manahan (Mr. M) as consultant ng GMA Artist Center ay siya namang pag-trending sa Twitter sa Pilipinas ng #Star MagicShinesBrighter . Habang sinusulat ito ay may 42.8k tweets. Malayo sa pangalawang spot na may 4,118 tweets ang #WelcomeToGMAMrM

Sinabayan ng mga Kapamilya supporters ang paglipat ng dating ama ng Star Magic sa kalabang istasyon. Ito’y sa pamamagitan ng Twitter party na may hashtag. May mga post din ng suporta sa bagong head ng Star Magic na si Lauren Dyogi.

Kung matatandaan niyo noong July 1, nang pumirma si Bea Alonzo sa GMA ay numero unong nag-trending din ang #kapamilyaforever.

Ramdam pa rin talaga ang rivalry sa ABS -CBN at GMA. Kahit walang prangkisa ang Dos, ay hindi pa rin sila sumusuko.

Leave A Reply

Your email address will not be published.