Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Enrique tiklop sa tapang ni Liza

0 135

Aminado si Enrique Gil na natatakot din siya sa pagiging matapang sa social media ng kanyang girlfriend na si Liza Soberano but at the same time ay proud din siya bilang boyfriend nito.

As we all know ay very vocal ang aktres sa pagtatanggol sa mga nakikita niyang mali sa bansa or gobyerno. Partikular din siya sa women’s and children’s rights at talagang nagsasalita siya for them kapag may nakikita siyang injustices.

Sa bagong podcast sa Spotify ni Matteo Guidicelli titled MattRuns ay guest niya ang LizQuen at isa ito sa mga napag-usapan nila.

Tinanong ni Matteo si Quen kung ano ang nararamdaman nito kapag nagpo-post si Liza ng mga matatapang na opinyon nito sa social media.

“Well, sometimes of course, it’s a little bit scary but you know, I mean, our woman’s brave,” sey ni Quen sabay-tawa.

“So, you support her, bro,” sabi ni Matt.

Sagot naman ni Quen, “of course, everything. Of course, I give her advice to slow down, and you know, choose your fight, and you know, internet is not a place to be messed around sometimes coz you know, sometimes it gets a little bit stupid.”

Dagdag pa ng aktor, “but you know, that’s the only way to get to all those people also, so, yeah, I mean, we just wanna change the world, make a change, make it a better place for us.”

Tinanong naman ni Matt si Liza kung ano ang end goal nito sa lahat ng ginagawa.

Ayon sa aktres ay marami raw siyang dream na mangyari sa Pilipinas pero mukhang hindi na raw mangyayari ang mga ito.

“But for some reason, I still wanna work on them little by little by just speaking up for women’s rights, for children’s rights or about certain things that I don’t agree with.

“I think it’s always great to start a conversation just so that you can see different opinion that people have and from there, you work on it. Like you need to see what the people need.

“Sorry, it might become very political, but yeah, I have dreams of like making the Philippines a better place. Of course. I mean, I’m just an actress, I’m just an influencer but I’m hoping that by using my voice and my influence, I can influence people to you know, be better people as well, make a change, start talking, don’t let people just step all over you,” mahabang pahayag ni Liza.

Pinuri naman ni Matteo si Liza sa pagiging matapang nito sa pagsasalita ng sariling opinyon kahit babae ito. Binanggit din niya kung gaano rin katatag ang asawang si Sarah Geronimo

“I think that’s something in our country, no? Coz you know, women are always ‘ah babae lang ako, I can’t do it.’ No, it’s not true, you know.

“Women are strong like my wife, Sarah, my gosh, if people just know how – people know this, but if more people would know- that Sarah’s so strong. Sarah’s stronger than me, Sarah’s stronger than a lot of people I know. You know, she’s gone through a lot, So, it’s amazing,” saad ni Matteo.

John Lloyd ayaw pag-artistahin si Elias

Kung si John Lloyd Cruz ang tatanungin, ayaw raw niyang maranasan ng anak nila ni Ellen Adarna na si Elias ang kanyang naranasan na maagang pumasok sa showbiz.

“Siguro, mas ie-encourage ko siya na mag-aral muna,” pahayag ni Lloydie sa panayam sa kanya ni Caesar Soriano sa YouTube channel nito, “kasi ako, masyado kong maaga pinasok ‘yung industriya namin, at a very tender age of 13, 14.”

Dagdag pa ni Lloydie, “I would want my son to experience something na hindi ko na-experience noong bata ako.”

Parehong artista ang magulang ni Elias kaya naman hindi kami magtataka kung balang-araw ay pasukin nito ang mundo ng showbusiness at maging magaling na aktor tulad ng kanyang ama.

Leave A Reply

Your email address will not be published.