Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Enrique tinulungan ang dyowa sa Tagalog

0 13

Ayon kay Liza Soberano, malaking bagay raw ang boyfriend niyang si Enrique Gil para magampanan niya ang pagsasaboses sa karakter ni Alexandra sa animated series na Trese.

Dahil nga si Liza ang napiling magsaboses ng serye in Tagalog, aminado siyang talagang naging struggle sa kanya ang pagta-Tagalog.

Pero good thing, nandiyan daw si Quen para tulungan siya. Kasama raw niya ang boyfriend na nag-practice ng Tagalog.

“Through the years, because of acting, I got to practice it more and more. But honestly, throughout this pandemic, I was mostly talking to Enrique, my family, most of them speak in English so I kind of went back to my old ways, like I kind of got my accent back.

“So like two weeks before Trese, I really made sure that I practiced my Tagalog again and that I spoke to my parents and to Quen in Tagalog or mostly in Tagalog as much as possible because I needed to get used to speaking in Tagalog every so often and I also tried to sing songs in Tagalog as well,” pahayag ni Liza sa panayam ng ABS-CBN.

Bukod dito ay nag-research din daw siya sa online tungkol sa voice acting at nag-request ng voice workshop.

“I did my own little research on YouTube on voice acting and how to modulate my voice, what warm ups I’m supposed to do in preparation for dubbing and other things related to voice acting.

“I also asked for a workshop from my voice coach sir Rudolph. And that was very helpful for me because there were a lot of things that he taught me from his years of experience that I did not pick up from YouTube and I’m just so happy that I got to do this because it really was a challenge for me because I’ve never done voice acting before aside from dubbing my own movies and commercials,” ani Liza.

Alex sinita ng mister sa suot

Inamin ni Alex Gonzaga na nagkakainisan sila ng asawang si Mikee Morada dahil sa kaartehan niya. Ang mister pala kasi ang ginagawa niyang photographer sa kanyang mga larawan.

Ipinost ni Alex sa kanyang Instagram page ang larawan niya na nakatalikod habang naka-sexy one piece swimsuit at nakaupo sa bathtub.

Sa caption ay sinabi ni Alex na sinita raw siya ni Mikee kung bakit ganu’n ang suot niya.

“Isa sa mga dahilan kung bakit kami nagkaka-inisan mag-asawa. Nagpapapicture ako sa kanya ng mga kaartehan at kafeelingan..

“Mikee: “Ano na naman to Catherine! Bakit ganyan damit mo at pose mo.” Pero click pa rin sya picture,” kwento ni Alex.

Comment naman ng ate Toni Gonzaga niya, “Mikee my male version.”

Ang kaibigan naman niyang si Luis Manzano ay nag-react ng maraming “face with tears of joy emoji.”

Sabi naman ni Mariel Rodriguez, “that is soooooo cute.”

Aliw na aliw din ang netizens at super-laugh din sila sa kuwento ni Alex.

Leave A Reply

Your email address will not be published.