Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Enrique, Xian may hugot sa mga lola

0 138

NI: ARCHIE LIAO

Para kina Enrique Gil at Xian Lim, hindi nila ikinakahiya kung tawagin man silang “Lola’s Boys.”

Aminado naman kasi silang very close sila sa kanilang mga lola na nasubaybayan ang kanilang paglaki hanggang sa panahong pumasok sila sa showbiz.

Anila, number one fan din nila ang kanilang mga abuela na laging nakasuporta sa kanilang mga karera.

Kaya naman, maituturing ni Enrique na malaking dagok sa kanilang pamilya ang pagpanaw ng kanilang lola kamakailan.

SM food to go Banner Ad

Para sa kanya, mananatiling may special spot ang lola niya in his heart.

Mapalad daw siya na nagkaroon ng abuelita na bukod sa cool at groovy ay maituturing niyang sexy rockstar.

Sa kaso naman ni Xian, gusto niyang busugin ng pagmamahal ang kanyang lola na kamakailan lang ay inoperahan sa breast cancer.

Nang umuwi na ng bahay mula sa ospital,sinorpresa pa niya ito ng ipinagpatayong clown collection para magbigay ng good vibes dito habang naghahanda sa kanyang chemotherapy.

Para kay Enrique at Xian, ang mga lola ay hindi lang guardian angels kundi mga biyaya ng Diyos sa lupa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.