Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Enrollment ng DepEd pinalawig hanggang Hulyo 15

0 515

May pagkakataon pa ang mga magulang na humabol para mai-enroll ang kanilang mga anak para sa darating na pasukan sa August 24. Ito ay matapos na palawigin ng Department of Education (DepEd) ang enrollment ng mga estudyante hanggang sa July 15.

Ang extension ng enrollment ay inianunsiyo ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos magpadala ng kensahe sa kanya si DepEd Secretary Leonor Briones.

Batay sa orihinal na schedule ng DepEd, ang buong buwan ng Hunyo ang itinakdang enrollment period para sa schoolyear 2020-2021. Dahil sa COVID pandemic, ginawang online at dropbox system ang enrollment para makaiwas sa peligro ng COVID-19.(Aileen Taliping)

Leave A Reply

Your email address will not be published.