Abante Tonite Interactive

Enzo dinenay ang threesome kina Teejay, David

612

Nasangkot sa isang blind item ang “Ma­lamaya” actor na si Enzo Pineda. Sa blind item kasi ay na-isyu na nakipag-threesome umano siya kina David Licauco at Teejay Marquez sa shooting ng pelikulang “G! LU”.

Nitong nakaraang buwan lang ay itinanggi ni David na fake news lamang ang blind item. Hindi pa nga umano nagsisimula ang taping ng pelikula nila.

Samantala, hindi naman aware si Enzo sa intriga na kumakalat. Pero matapang niyang sinagot ang isyu.

Pag-amin niya, “Well, to cut the story short, siyempre hindi totoo pero hindi ko naman ini-expect na a lot of people would … I guess fantasize.

Alam n’yo naman kapag showbiz, may kanya-kanyang imahinasyon.
“Ako, I just find it funny lang,” dagdag pa niya.

Mabuti na lamang at sanay na ang aktor sa mga intriga sa showbiz. Hindi siya guilty lalo na’t lala­king-lalaki ang role niya sa pelikula ng “Malamaya”.

Makakatambal niya si Sunshine Cruz na balitang nag-hubo’t hubad sila.
Mensahe naman niya sa mga basher, “Wala naman, God bless, Enjoy. Wala, actually wala ako masabi.” (Ronaline Avecilla)