Abante Tonite Interactive

Enzo muntik nang ma-lockdown sa Baguio

766

NI: RODEL DERNANDO

Muntik na palang sa Baguio namalagi ng isang buwan si Enzo Pineda. Kung nagkataon matagal bago niya masisilayan ang Metro Manila.

Papunta na sana siya sa nasabing lugar nu’ng second week ng March para shooting ng bago niyang pelikula na Close Your Eyes . Wala pa noong abiso na may community quarantine sa Luzon.

Mabuti na lang at nagbago ang isip ng direktor ng pelikula na si Cristopher Novabos. Kinansela muna niya ang shooting.

Pero blessing na ring maituturing dahil ilang araw lamang ay idineklara ng pamahalaan ang lockdown sa buong Luzon.

Nanghihinayang man siya pero naisip din niya na kailangang i-secure ang kaligtasan nila. Delikado nga naman ang COVID-19.

Isa pa, maliit lang na produksiyon ang nasa likod ng kanilang pelikula. Kung natuloy sila sa Baguio, kailangang sagutin ng producer ang gastusin sa loob ng isang buwan. Stress yun dahil minimal lang ang budget sa gagawing movie.