Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Enzo nakaaway ang amang congressman

0 1,204

Maugong ang tsismis na diumano’y nag-away ang mag-amang Enzo Pineda at 1-PACMAN Partylist Rep. Enrico Pineda.

How true na nagtalo ang mag-ama pagkatapos bumoto ng yes ang congressman para ibasura ang franchise application ng ABS-CBN 2.

Tanong ng isang netizen, “Umuuwi pa ba si Enzo sa bahay nila?”

Si Enzo ay isang Kapamilya hunk actor na very vocal sa pagsuporta sa kalagayan ng istasyon. Huling post nga niya sa Instagram ay “I stand by ABS-CBN. Pagkakaisa…yan po ang kailangan natin ngayon panahon. Buksan po natin ang ating mga mata. Hinde po ito ang kalaban….ang kalaban ay hunger, poverty, at itong virus na sumisira sa buhay ng million milyong nating kababayan. Hinde po tayo mananalo sa laban na ito kung hinde tayo magkakaisa. #ibalikangabscbn #voteyestoabscbn.”

Actually, ginulpi rin sa social media si Enzo ng ilang sumusuporta sa ABS-CBN 2. May kinalaman nga ito na napabilang ng kanyang ama sa 70 kongresistang hindi pabor na ipagpatuloy ang operasyon ng network.

Mababasa rin sa Twitter

Related Posts

@cofiboiX, “He is a talent of the channel his father shutdown. At the very least his father should have considered that along with the others who will be unemployed.”

@heroangel17, “Baka akala ni pudra eh sa GMA pa rin si junakis.”
@ih8porkandbeans, “baka di sila nag-uusap ng tatay niya?
@crustyliver78, “Boom basag!”

@HikeDiveLove, “Tinabla ni fudrakels.”

May rumespeto rin sa boto at desisyon ng kanyang ama. Sadyang magkaiba raw ang pananaw nila. Ang importante ay todo ang suporta at pagkampi ni Enzo sa kanyang mother network.

Anyway, kinukuha ng Abante Tonite Reportorial Team ang paglilinaw kung true na nag-away ang mag-ama pero habang sinusulat ito ay wala pang kasagutan ang manager ni Enzo na si Arnold Vegafria.

Bukas ang panig nina Enzo at Cong. Pineda sa ikalilinaw ng isyu.

Leave A Reply

Your email address will not be published.