Abante Tonite Interactive

Enzo tinablan kay Sunshine

680

NI: ARCHIE LIAO

Aminado si Enzo Pineda na nag-audition siya sa kanyang role bilang Migs sa “Malamaya”. Magkakaroon siya ng May-December love affair sa isang artist na ginagampanan ni Sunshine Cruz.

Hirit pa ni Enzo, may love scene daw sila sa pelikula ni Sunshine.
Hindi rin niya ikinaila na tinablan siya sa ilang love scenes nila ng kanyang bagong kapareha.

“Normal lang naman iyon kasi lalaki tayo pero ako naman ‘pag work, work talaga. Walang malisya,” aniya.

“At saka, very professional kasi si Miss Shine. Very open siya at collaborative sa mga eksena namin. Hindi siya madamot. Kapag kailangan ko ng tulong sa mga eksena, lagi siyang sumusuporta,” pahabol niya.

Pagbubunyag pa niya, ang role raw niya sa “Mala­maya” ang maituturing niyang most daring na ginawa niya.

“Aside from the love scenes, may mga ipapakita akong parts of my… but this is an artistic film,” pagtatapos niya.