Abante Tonite Interactive

EO 104: Presyo ng gamot pang- maintenance bantay-sarado

244

Inaasahang gagaan ang bulsa ng publiko, lalo na yaong mayroong araw-araw na maintenance sa kanilang gamot matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order No. 104 na magtatakda ng tamang presyo para sa ilang piling mga gamot.

Sa ilalim ng EO 104, magtatakda ang gobyerno ng price regulation sa pamamagitan ng Maximum Retail Price (MRP), Maximum Wholesale Price (MWP) sa ilang mga gamot na nabibili sa mga botika.

“The Palace confirms that President Rodrigo Roa Duterte signed today, February 17, Executive Order No. 104 entitled ‘Improving Access to Healthcare Through the Regulation of Prices in the Retail of Drugs and Medicines,’” ani Panelo.

Sa pamamagitan ng pinirmahang EO ni Pangulong Duterte, makakabili na ang publiko ng mura subalit de-kalidad na gamot at makababawas sa mabigat na gastusin lalo na ng mga mayroong araw-araw na maintenance.

Sinabi ni Panelo na isa ito sa mga adhikain ni Pa­ngulong Duterte na maipatupad sa ilalim ng kanyang administrasyon para makapamuhay nang komportable ang sambayanan. (Aileen Taliping/Prince Golez)