Abante Tonite Interactive

EO sa endo ‘wag iasa kay Pangulong Duterte

By
1,893

Hinimok kahapon ng isang kongresista ang iba’t ibang labor group na paigtingin ang protesta at ilantad ang pagtatangka ng gobyernong Duterte na bumuo ng isang ‘business-friendly’ Executive Order (EO) para tuldukan ang umiiral na kontraktuwalisasyon sa hanay ng mga manggaga­wang Pinoy.

“The failure to sign its supposed draft on ending contractualization makes it obvious that even among the circle of the President they find it hard to present it because it’s basically anti-worker. No rosy picture justifying contractualization will be accepted by the workers,” pahayag ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao.

Iginiit pa ni Casilao sa grupo ng mga manggagawa na sa halip na hilingin kay Pangulong Rodrigo Duterte na mag-isyu ng EO na nagbabawal sa contractualization, mas mainam aniyang mag-ingay kaugnay sa nilulutong EO na papabor sa mga kapitalista.

Sinabi pa ng mambabatas na mawawalan ng silbi ang ipinagmamala­king paglusaw sa kontraktuwalisasyon ng gobyernong Duterte kung isang ‘business-friendly model’ ng EO ang mabubuo.

Lumalabas din aniya ang katotohanan dahil sa mabagal na aksiyon na wala talagang intensiyon ang Pangulo na tuparin ang kanyang pangako sa mga manggagawa na tapusin ang contractualization.

Ang atubiling pagpirma sa draft ng EO para awatin ang contractua­lization ay malinaw na ebidensiya ani Casilao na mas pinapaboran ng Pa­ngulo ang mga kapita­lista sa halip na ang mga manggagawa.

“Workers should not depend on the President to hand them their demand for a contractual-free labor sector. Clearly it is not going to happen as gradually the government has been reduced to mere press releases. This is tantamount to empty promises to ending contractualization. Their demand is just. They should assert it mainly through militant and collective action,” ayon pa kay Casilao.