Abante Tonite Interactive

Epal na nanay kalawang sa artistang anak

493

MILDRED BACUD: Isang kilalang aktres ng isang network ay may pakialamerang nanay.

Umepal ba sa ending ng teleserye ng anak? Dahil hindi niya ito nagustuhan, idaan ba sa social media ang hinaing? Marunong pa sa scriptwriter. Nabuwisit ang management at pinatawag ang pakialamerang mother at nasabon. Ayan tuloy, for a while pinagpahinga muna ang anak bilang leksyon.

Eto pa ang nanay ng isang batang aktor na kabago-bago sa showbiz, attitude na.

Ayaw ba namang magpasabay sa service van nila sa ilang makikisakay tulad ng makeup artist at talents. Super simangot si madir. Ayan tuloy, nakarating sa production at tsinugi ang karakter ni bagets sa sikat na teleserye. Nakakahinayang dahil promising child actor pa naman si bagets at malapit sa bida ng nasabing teleserye.

Nauuna pa talagang lumaki ang ulo ng mga magulang ng artista. Hindi nila alam, sila ang sisira sa career ng kanilang mga anak. Isipin sana nila na importante ang right attitude sa showbiz. Kahit gaano ka ka-talento, kapag sablay sa ugali ay walang kukuha sa ‘yo.

ROMMEL PLACENTE: Pero ako masasabi ko na ang nanay ng namayapang aktres na si Isabel Granada na naturingan ngang stage mother din, ay hindi naman pakialamera sa career ng kanyang anak. At kaya naman lagi niyang sinasamahan si Isa sa mga showbiz commitments nito ay dahil solo niya itong anak. Gusto niya itong ginagabayan at sinasamahan. Kung hindi kasi sasama si Mommy Guapa kay Isa ay siya lang ang maiiwan sa bahay. Nakasama ko ang mag-ina nang mahabang panahon kaya alam ko na ‘di pasaway at pakialamera si Mommy Guapa kay Isa. Hinahayaan niya ang mga naging manager nito ang siyang magdesisyon sa kanyang career although nagbibigay din siya ng opinyon o suggestion.

Nu’ng gawin ni Isa ang launching movie niyang “Halik ng Sirena”, sinabi ng manager noon ni Isa na si Dondon Monteverde na kailangan nitong makitaan ng boobs sa isang eksena, pero hindi nakialam si Mommy Guapa. Sinunod niya ang sinabi ni Dondon though tinanong niya rin si Isa kung kaya niyang gawin ang ganu’ng eksena na okey naman dito.

RODEL FERNANDO: Trulili kayo! Ibang-iba talaga ang mga nanay noon ng mga artista. Parang puwede ring sabihin na ang mga totoong nanay ng mga artista ay nagtapos na noong Dekada 80. ‘Di ba Boy Romero?

Ang mga ibang mudra ngayon ng mga artista ay may mga attitude problem. Nangingialam kaya minsan naaapektuhan ang career ng kanilang mga anak. Mas marunong pa sa mga manager at handler.

Nakakaloka nga ang ina ng isang baguhang aktres na pati sa interbyu ng anak sa kaniya ng mga reporter ay pinakikialaman niya. Katwiran niya, pinoprotektahan lang niya ito kahit may basbas naman ng handler at manager niya ang interbyu. Ang ending tuloy, ayaw na interbyuhin ang kaniyang unica hija at iwas na ang press dito.

Tama ka Rommel at naalala ko tuloy si Mommy Guapa, ang dakilang ina ni Isabel. Oo nga, matatawag siyang stage mother pero never siyang nagmahadera sa mga taong tumutulong sa career ni Isabel. Lahat ay kaibigan niya, mapa-reporter, sa produksiyon at sa mga artistang nakakasama niya. Sana tularan si Mommy Guapa ng mga nanay ng mga artista ngayon.

RONA AVECILLA: Wala namang problema sa mga protective na stage mother. Hindi naman ‘yun dahil nature na ‘yun ng pagiging ina nila. Pero siyempre, kung para sa ikagaganda naman ng career ng anak eh why not? As long as nasa tamang edad naman na sila.

Subalit may ibang mga stage mother talaga na mas nangingibaw ang prinsipyo. Dedma kahit nasa tamang edad na ang anak. Isang sikat na artista nga ‘di ba na hanggang ngayon ay hindi pa nakararanas ng kissing scene sa mga pelikula niya.

Kapag may hindi nagustuhan na tanungan at sagot sa interview ay pinapabura niya. Tipong against all odds ang peg ni Mader, mapangalagaan lang ang prinsipyo. Maging love life ng anak ay kailangang favorable sa kanya. Mabuti na lamang at total package ang aktres, kundi ay baka matagal na siyang nalaos dahil sa pagiging over-protective ng ina.