Abante Tonite Interactive

Epal sa ‘Parasite’ tigilan na

830

Sa true lang, huwag na tayong umepal sa panalo ng “Parasite,” ang kasalukuyang best picture mula sa Land of the Morning Calm. Ang tagumpay na ito ay para sa South Korea. Huwag na tayong mag­lulundag na hooray for Asian cinema dahil sa panalo nilang ito, biglang sila ang na­ging film powerhouse nation at lahat tayo, pwedeng mamatay na sa inggit.

Ano ba kasi ang ­ginagawa ng mga film stake holder para sa Philippine cinema at industriya nito na pinagdirawang pa man din ang ika-sandaang taon nito?

Ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) na pinamumunuan ni Liza Dino, ang ginagawa lang, magbigay ng ­parangal para sa mga “achievers:” at “­victors” na itinanghal sa this and that festival na hindi naman Cannes, Venice, o Berlinale. Pati yata mga community based, state funded at maaaring barangay film festival, basta may panalo tayo, pasok sa honor rolls listahan nila.

Alam naman natin na malaking factor sa Oscar’s ang kampanyanhan, hindi ba puwedeng ‘yung ponding inilaan para sa mga parangal at party-party ilaan na lang para sa kampayan?

Ano nga ang ginagamit na pamantayan ng mga taga-Film Academy (FAP) na taunang namimili sa pelikulang Pilipino na ilalako sa Oscars? May nakakatanda pa ba, sa nakalipas na dekada, kung may pelikula man lang tayo na pumasok sa short list para sa foreign film language category?

Ang “maganda” sa atin, halatang-halata na hindi pumapasa sa pihikang panlasa ng mga Academy voter, bakit walang pag-aaral kung ano ba talaga ang karapat-dapat na isasabak natin para man lang ma-arouse ang curiosity nila sa isang Filipino film?

Ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na halos bilyon ang kinikita sa mga pelikulang kalahok sa Metro Manila Film Festival (MMFF), wala ba silang pondong ini-allocate para sa isang Oscar campaign?

Pati na rin ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na may National Endowment Fund for the Arts (NEFCA) at may Committee on Cinema, wala ba silang balak magbigay ayuda para sa isang PR blitzkrieg para sa ilalahok nating pelikula?

Sa lifetime bang ito, makakaasa ba tayong may Filipino film na tatanghaling pinakamahusay na pelikula sa ­Oscar’s at mag-uuwi ng iba pang tropeo?

Sa most prestigious film festival, ang Cannes, may Palme d’Or na tayo for acting, si Jaclyn Jose, ang pambansang aktres at sa direksyon, si Brillante Mendoza.

Kailan naman kaya mangyayari na sa most prestigious film awards, sa Oscar’s eh maggi-victoria na rin tayo?

Basta ang sure ko, ang Diamond Star, si Maricel Soriano, mas nauna pa sa South Korea. Waging-wagi siya sa linyang binatawan niyang, “I don’t need a parasite!” Hahahaha

Lav, Brillante may kakulangan sa Oscars

Dahil wala na nga ang mga film master na sina Lino Brocka, Ishmael Bernal, Eddie Romero, Mario ‘O Hara at ­Marilou Diaz Abaya, marami ang nagpo-proklama na sina direk Lav Diaz at Brillante Mendoza ang may more chances of winning para sa Pilipinas nating mahal naman ang Oscar gold trophy.

May kaibigan akong nagdabog ang bangs tungkol sa posibilidad na sina Diaz at Mendoza ang huling pag-asa natin. Ang kanyang kuda para kay Lav Diaz: “He cannot be the face of Philippine cinema­ ­because nobody watches his super long pa-artsy ­movies. He is too ­egotistical to abide by world standards. In one word: selfish.”

Sa true lang, “edi­ting” is the word for Diaz at dapat siyang “magtiwala” sa buong proseso nito. Hangga’t ayaw niyang mag-edit, we can all kiss our Oscar aspiration good-bye. Of course, dahil parang mas European ang sensibilities ni Lav, wala siyang care sa Oscar at tila wala naman siyang care sa ating lahat dahil for all his so-called “genius,” hindi pa rin makatarungan na panoorin ang isang pelikulang clocking from 4 to 8 hours.

Ang hanash kay Brillante: “Mendoza cannot be the new hope and face of Phi­lippine cinema because his poverty porn and drug-laden themes are too weak and too calculated in the universal film language and medium. His films are being made because he wants to win awards and glorify himself. Sadly, he will never get the respect of the A-listers in the mainstream movie world.”
Ang savage nu’ng kay Brillante. Sa true lang. Hahahaha.

Kung hindi si direk Lav Diaz at Brillante Mendoza, mas may pag-asa nga bang hatid sina direk Mikhail Red, Jerrold Tarog, Dan Villegas, Antoinette Jadaone at Irene Villamor?