Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Epektibo nga ba si Dar?

0 79

Mag-iisang taon nang sapul nang unang ideklara ang community quarantine sa Metro Manila at kalapit na mga lugar matapos magsimulang dumami ang kaso ng nakamamatay ng coronavirus disease.

Kasabay na community quarantine o lockdown ay ang pagtaas din ng mga bilihin dahil sa kakulangan ng suplay sa mga pamilihan. Lahat halos tumaas mula sa mga essential needs ng tao gayundin sa presyo ng mga pagkain.

Kaakibat ng pagtaas ng inflation rate ang pagtaas ng presyo ng mga bilihan at kakulangan ng suplay nito na tila hindi naman nasosolusyunan ng Department of Agriculture sa pamumuno ni Secretary William Dar.

Ang solusyon nga dito ni Sec. Dar ay mag-import nang mag-import ng mga pagkain natin para mapunan ang kakapusan ng supply niyo. Sabi nga ng iba, “Importation King” na itong kalihim ng DA dahil nakapende na lang siya sa pag-angkat ng kailangan nating pagkain.

Hindi ba’t naghayag ang DA na mag-aangkat sila ng 400,000 metric tons ng pork at 2.2 MT naman ng bigas ngayong taong ito. Aba’t pangalawa na ata ang Pilipinas sa China bilang world’ biggest rice importer.

Kaya nga inaakusahan ang DA at si Dar ng ilang grupo na “incompetent” sa pagtugon sa kalagayan ng ating mga rice farmer at pagtiyak sa food security ng bansa.

Sa obserbasyon ko, mula nang umupo si Dar sa DA, para wala naman akong matandaan na naging stable ang presyo ng mga pagkain. Kada buwan tumataas ang presyo ng pagkain partikular ang mga livestock, poultry at mga gulay.

Kaya nga nagkalugi-lugi na rin ang mga magsasaka dahil wala naman silang tulong na nakukuha mula sa DA lalo na iyong mga naapektuhan ng African Swine Flu (ASF) na nagresulta sa napakataas na presyo ng baboy na umabot pa hanggang P400 per kilo.

Siyempre apektado din ang ating mga rice farmer dahil sa dami nang inaangkat na bigas ng pamahalaan. Sabi nga consumer watchdog na Bantay Bigas, umabot na sa P89.55 bilyon o P33,000 ang nalulugi sa bawat rice farmer. Lugi na nga ang magsasaka wala namang ayuda sa DA.

SM food to go Banner Ad

Ganya din sa pork industry kung sa P56 bilyon na ang total loss nitong 2020 at hindi rin nabibigyan ng tulong ng DA. Kung tutuusin ngayon na lang kumilos ang DA. Bukod sa import ng baboy sa ibang bansa, kumuha sila ng supply mula Visayas at Mindanao at dinala dito sa Metro Manila at kalapit na mga lalawigan na kulang sa supplay ng karne ng baboy.

Kaya nga, tanong kay Sec. Dar: Bakit ngayon lang? Pwede naman palang gawin yan bakit ngayon lang sila kumilos? Maraming nang nagmungkahi na ganyang solusyon pero ngayon lang nila naisipan. Bakit?

***

‘Heartless’ senator

Naikuwento ng ating source sa Senado na isang staff ng Senate Secretariat ang inatake sa puso habang ginagampanan ang kanyang tungkulin.

Nangyari iyon noong February 14, Valentine’s Day kaya’t nakakapagtaka na pumasok ito sa Senado sa ganoon araw kung saan dapat sana’y nasa bahay lang siya at kasama ang kanyang pamilya.

Ang kuwento ni Mang Teban, napilitang pumasok ang staff na ito dahil pini-pressure siya ng isang senator na mag-produce na kakailangan niyang mga papeles o dokumento na gagamitin sa hearing kinabukasan.

Napaka naman nitong mambabatas. Araw ng mga puso pero siya wala siyang puso sa mga ordinaryong empleyado. Iba ka senator!

Well, saludo naman tayo sa napakasipag na staff na ito na isinakripisyo ang buhay para lang mapabigyan ang gusto ng mambabatas na ito. May your soul rest in peace!

Leave A Reply

Your email address will not be published.