Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Epektibo Nov. 5-21: Metro Manila alert level 2 na!

0 182

Ibinaba na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sa COVID-19 alert level 2 ang Metro Manila na epektibo simula ngayong Biyernes hanggang Nobyembre 21, 2021.

Inanunsiyo ito kagabi Presidential Spokesperson Harry Roque kung saan inihayag nito na inaprubahan din ang rekomendasyon ng Sub-Technical Working Group on Data Analytics na gamiting batayan ng pagtatakda ng mga alert level ang mga datos na pinakamalapit sa `implementation date’.

Ayon sa pahayag ni Roque, simula Disyembre 1 ang mga alert level assignment ay tutukuyin na kada ika-15 at ika-30 ng buwan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Escalations, on the other hand, may be done at any time in the middle of the implementation period as warranted while de-escalations can only be done at the end of the 2-week assessment period,” sabi sa pahayag ni Roquew.

Inatasan din umano ng IATF ang National Task Force Against COVID-19 gayundin ang mga Regional Task Force at Regional IATF na magbigay ng lingguhang ulat hinggil sa progreso ng implementasyon ng mga alert level sytem.

Nabatid pa na inamiyendahan ng IATF ang mga panuntunan hinggil sa alert level system sa COVID 19 partikular sa mga pilot area para mabigyan ng linaw ang pinapayagang galaw ng tao sa ilalim ng magkakaibang alert level. (Kiko Cueto/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.