Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Epektibo quarantine konti pa namamatay – Roque

0 564

Bagama’t ikinalungkot ang pag-akyat sa higit 61,000 ng mga COVID-19 positive sa bansa noong Huwebes, naniniwala si Presidential Spokesperson Harry Roque na epektibo ang pinaiiral na quarantine para mapigilan ang pagkalat ng virus.

Sa panayam sa telebisyon, sinabi ng kalihim na nakalulungkot na naganap sa kalagitnaan pa lamang ng kasalukuyang buwan ang initial prediction ng mga researcher ng University of the Philippines (UP) na papalo sa 60,000 ang mga kaso ng CVID-19 infection sa katapusan ng Hulyo.

Subalit epektibo pa rin aniya ang istratehiya ng gobyerno para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 dahil kokonti pa ang bilang ng mga taong nasawi sa sakit na ito.

“Gumagana naman po pa din kasi maliit pa din `yong bilang ng mga namamatay sa sakit na ito,” ani Roque.

Naniniwala rin ang kalihim na magtatagumpay ang laban ng ating bansa sa COVID-19 pandemic dahil na rin sa kooperasyon ng publiko sa pagpapatupad ng mga health at safety protocol.(Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.