Abante Tonite Interactive

Epekto sa katawan, alamin: Ilang tasa ng kape ang kaya mo?

1,448

Masarap ang kape lalo na kapag kaibigan ang kasama, kapag may ginagawa, pampatunaw ng kinain habang ang iba naman ay ginagawa itong ­pampa-relax.

Alam n’yo bang marami ang benepisyong nakukuha sa regular na pag-inom ng kape? Una na rito ay nakakapagpasigla ito ng sistema ng utak, malaking tulong para maging alerto at gising sa ­buong araw, nakapagpapabuti ng memorya at kaisipan ng tao, napapabilis ang pag-iisip at napapabuti ang memorya ng mga matatanda.

Ayon sa mga pag-aaral, ang katamtamang konsumo ng kape ay nasa 200 hanggang 300 milligrams lamang. Ito ay katumbas ng dalawa hanggang apat na tasa at ito ay hindi nakakaapekto sa kalusugan.

Samantala, maituturing na malakas sa konsumo nito kung ito ay aabot mula sa 400 milligrams o mga apat na tasa pataas. Ito ay nagdudulot ng hindi kanais-nais na mga sintomas.
Iwasan ang labis na pag-­inom ng caffeine at hindi ito nagdudulot ng mabuti sa kalusugan o makapagdudulot ng kamatayan.

Nakamamatay ang labis na pagkonsumo ng caffeine na kung saan kapag nag-­consume ng 10,000 milligrams na katumbas ng 100 tasa ng kape o 70 energy drinks.

Maaaring makaramdam ng insomnia o kahirapan sa o kakulangan ng tulog, nerbiyos, pagkabagabag, pagka­irita, pangangasim ng sikmura o gastroenteritis, mabilis na pagtibok ng puso, panga­ngatog ng kalamnan o muscle tre­mors, depression, nausea o pagkaduwal, madalas na pag-ihi, at pagsusuka.

Ang caffeine o kapeina ay mapait at nagmumula ito sa ilang mga halaman.

Nakapagdudulot ang ­caffeine ng karagdagang ener­hiya at pansamantalang tulong sa pagiging alerto.

Ang bisa ng caffeine ay madaling makuha ng katawan at pumupunta kaagad ito sa utak. Hindi ito naiipon sa dugo o naitatago ng katawan. Mabilis itong lumalabas ng katawan sa pamamagitan ng pag-ihi matapos ang ilang oras nang ito’y ­inumin o makonsumo.