Abante Tonite Interactive

Epi ‘di na umaasang maging National Artist si Dolphy

By
606

Hindi na umaasa si Epy Quizon at ang kanyang mga kapatid na maidedeklarang National Artist ang kanilang amang si Dolphy na tinaguriang King of Comedy.

“Mas kailangan namin ang mga taong naniniwalang part na ng culture ang father namin. ‘Yun lang okay na kami. Malaman lang naming napatawa sila ng tatay ko, that’s the biggest trophy that we need, that’s the award that every Filipino can give,” aniya.

Ayon pa sa kanya, wala na namang kailangang patunayan pa ang kanyang ama dahil sa laki ng naging ambag nito sa pagsulong ng pelikulang Pinoy.

Abante Hiring – IT dep

“It’s a trophy that he has in his collection. We don’t need a trophy,” deklara pa niya.

Matatandaang ilang beses nang lumutang ang pangalan ng namayapang actor na gawing National Artist pero tulad ng Superstar na si Nora Aunor, ilang beses na rin itong nabokya.

Si Epy ay kasama sa cast ng “Alimuom”, isang scifi drama na idinirehe ni Keith Sicat (Wo­man of the Ruins, The Guerilla is a Poet, Ka Oryang) na kalahok sa 3rd Tofarm Filmfest.

Kasama rin niya sa cast sina Ina Feleo, Dido dela Paz, Mon Confiado at Karl Medina.